Enter The Nether

Enter if you dare, Stay if you must, Welcome to my Asylum

Archive for the month “September, 2012”

Uso pa rin ba maging masaya?

Araw-araw, gabi-gabi, duty, papers, duty, papers. Itchapwera muna ang tulog, unfelt need muna kumain. Lakad dito, lakad doon, isuot ang ngiti, kalimutan muna ang lahat na di konektado dito. Mag-eeksam ng di nag-aaral, papasok ng klase pero di makikinig, minsan nga pati yun di na gagawin. Para lang sa minamahal na kurso, para lang makagradweyt sa tamang oras. 

Papers buong hapon at gabi gagawin, tapos pagpasa sasabunin, revise this, revise that, what is this?! Lakad ulit pabalik balik na pagtatanong, “ok lang po ba kayo, kamusta naman po yung nararamdaman niyo, musta naman tulog niyo?” Yun naman pala, ah ayun na gets ko na. Buong gabi gugulin sa pag-aayos ng mga mali tapos pagsikat ng araw panibagong panggigisa ulit. 
Kaya siguro ako napapatanong, uso pa rin ba maging masaya? Kung lahat ng ginagawa ay di tama at kahit nagpupumilit na itaas ang kakayahang nasa sukdulan ay masabihan pa rin na kulang. Uso pa rin ba maging masaya? Kung bawat minuto, bawat segundo ginugugol sa isang bagay na di maabot-abot. Minsan ko na rin naisip na iwan na tong lahat, na magpatiwakal na lang. Siguro sa tren, jeep, o bus magpasagasa o gumamit ng kutsilyo, lubid o lason. Maari ring baril kaso la rin akong mapagkukunan nun. Pero dahil meron gumawa nung isa sa mga naisip ko ay nakita ko rin na magiging sagabal pa iyon sa ibang tao at marami pa tuloy malulungkot bukod sa akin. Binawasan ko nga ang mga di masaya nadagdagan naman. Mali yun, di na nga uso, ipagkakait ko pa sa iba. Pero gusto ko rin malaman kung iilan ang pupunta sa lamay ko.

Karamihan rin ng mga pasyenteng nakausap ko sabi na isa sa kanilang mga pangarap sa buhay ay maging maginhawa ang buhay ng mga anak sa hinaharap. 

Pero ewan ko lang din, marami naman ring nagpapasaya ng malungkot na buhay na ito. Mga iilang segundo na kasama ang mga matatalik na kaibigan at mga tropang kwela, mga ngiti na di naman kailangan ako ang dahilan, at mga pagkakataon na nakakausap ka man lang kahit papaano. Siguro nga di uso ang maging masaya pero di rin naman ito imposible makamit. 

Post Navigation