Enter The Nether

Enter if you dare, Stay if you must, Welcome to my Asylum

Archive for the month “February, 2013”

Creed

Life goes by a different creed

The longer you stay, the more you bleed

Matters not what you need

You cannot sow an unplanted seed

 

It’s time to wake and start anew

Take the cup and sip the brew

Open eyes to the scenic view

And realize there is much to do

 

Let’s make it up as we go

But be wary of the seeds we sow

So that when the harvests grow

They nourish us in our lowest low. 

Advertisements

Sulat-sabog

Miss, miss, na nakagreen pwede bang sabihin na ang ganda mo? Sa ngiting matamis bumibilis ang pulso at mukha’y namumula ng parang gago. Ngiting nakakasilaw, nakakatunaw at kayang kayang paliwanagin ang anumang makulimlim na araw. Cliché man kung sabihin at maaring dahil lang pinapansin ko pero di ko mapaliwanag kung bakit natutuwa akong makita ka.

 

Miss, miss, wag kang sumimangot ng ganyan, di ko alam kung me dinaramdam ka o nababagot lang. Wag mo ring palobohin ang mukha mo ng ganyan, ang cute kasi. Sobrang nakakatuwa na parang ewan. Damdamin ay gumagaan, isipa’y lumilipad kung saan-saan.

 

Miss, miss, maaaring napansin mo na rin na sinusulat ko ito ng pagkabilis-bilis habang tinatapos ng iba ang papel na ipapasa. Gamit ang shades na ngayon ay nasa akin, nakatingin ako sa sayo at napapaisip. . . . . . 

Miss, miss, medyo nakakamiss, kausapin ka tungkol sa mga bagay-bagay, makabuluhan man o wala lang. Mga kwentuhang nakakainis, nakakatuwa, umaabot ng madaling araw.

 

Pero, pero, di ko alam kung ok lang, di ko alam kung ok lang. 

 

Sulat-sabog walang ritmo o malalim na ideya. Eto’y pagkausap sa sarili at pagtala ng mga naiisip ngayon.

 

Post Navigation