Enter The Nether

Enter if you dare, Stay if you must, Welcome to my Asylum

Nasaan?

Nasaan na ang pamantasang hirang? 
Pag-asa ng mga pag-asa ng bayan.

Bakit siya ngayo’y naging berdugo
sa pag-unlad na nais matamo.
Bakit sa kanyang kamay, mga pangarap ay kinatay
at pagkatapos mamatay ay hinayaang nakahandusay
sa malamig na lansangan ng daang matuwid.
 
Nasaan na ang Giting mo sa paglilingkod
sa bayan na matagal nang bugbog. 
Bakit ang Tapang ay siyang ginagamit
laban sa mga iskolar na sayo’y ibinilin.
ang Luntian ay unti-unting nalalagas na 
at ang Pula ay ang dugo niya. 
Bakit di mo nadinig
ang aming pasigaw na tinig?
 
Nasaan na ang bulwagan ng dangal?
Kung ganyan ang iyong asal
pinagkakait sa nangangailangan, 
ang siya namang dapat ay karapatan.
 
Nasaan ka UP naming mahal? 
Ilaw sa loob ng karimlan
Pagka’t kung wala ka na
Paano mabubuhay ang pag-asa ng bayan?
 
Advertisements

Single Post Navigation

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: