Enter The Nether

Enter if you dare, Stay if you must, Welcome to my Asylum

Lima…..Tatlong Araw na lang pala

Unang Araw

 

Isang bote po ate, baso tsaka ice. Tara mga kaibigan, damayan niyo muna ako. Dito muna ako makikinig lang, dito muna ako mag-iisip lang.
 
 
Ganda ng kwento mo pre, nakakatawa. O sige magsasabi din ako pero maya-maya pa. Hayaan niyo munang lasapin ko ang tamis nitong alak, maramdaman ang init at mapagpalayang amats.
 
 
Ayos ang usapan, katulad ng dati. Pulitika, basketbol at buhay estudyante…
Tapos na… Kelangan ng gumising. Tapos na… Kelangan nang tanggapin. Heto na amat na. Heto na klaro na.
 
 
Oo di pa ako ok, Oo di pa kita mapagkakatiwalaan, pero Hindi ako galit sa yo. Ang galit ko’y nakakalusaw, hindi nakakapaso. Ito’y  nakatuon sa pagwasak at pagsira ng pagkatao. Ito’y walang awa at hinding hindi mapapakiusapan. kaya masasabi kong di ako galit sa yo ng walang alinlangan. Oo nasaktan ako kaya nga nandito ako ngayon, kasama ang bote at ang mga iba pang kaibigan ko.
 
 
Tapos na… ubos na ang unang bote ng beer.
 
 
 
Pangalawang Araw
 
 
4 na bote para sa tropang malupit. 5 baso, isa para sa musika.
Oh bente-bente para sa pulutang paborito. Antagal na rin nating di nagsamasama rito.
Buhos niyo na ang beer, dahan dahan lang sa pulutan.
Oh eto na di na makapaghintay. Makinig, makinig sa kwento ng aking buhay.
Ganito kasi ganyan. Eto yun eto yan.
Bakit ba kamo? Eh ganun talaga.
Bakit ba kamo? Kasi ganyan.
Masakit pre, tsaka anlabo rin.
Bakit ako pa ang gaganitohin?
Pero ganun talaga, gulong ng buhay
minsan nasa taas, minsan nasa baba, minsan nasasagasaan ng todo.
Hit and run minsan, minsan natatakbo pa sa ospital
pero di na tuluyang mababalik sa dati.
 
 
Tama na ang kwento, tara magkantahan na tayo. Oh bakit nanaman para sakin? Sige lang, eto singko, tara damayan niyo ako.
Mr. Brightside, Masaya, Pakiusap Lang, mga magagandang kanta, Oh Beer naman sarap na pampares sa beer na nasa mesa.
Tagay na, tagay pa, matagal tagal pa tayo rito. Oh eto pa, me parating pa. . .
Eto nanaman, iuulit ang kwento, tara tagay pa salamat sa mga libre niyo.
 
 
Gabi na, tara na, uwi na tayo, ok lang na umuulan, mga luhang tinatago.
 
 
 
 
Pangatlong Araw
 
 
Walang klase, walang inom walang dahilan para tropa’y magtagpo
Pero sige lang, di pa rin mag-iisa, tatapat sa laptop at makikibalita
Andyan mga kaibigang nasa malalayong lugar
Palaging kausap, palaging andyan
Umabot sa panahong wala nang mapagusapan
pero sige lang, keri lang andyan pa rin naman
 
 
Teka alis muna ko sandali,
Magbababad sa trabaho, magpapaka-importante.
Masarap mapakinggan at makadinig ng pagbabago
Buhay college natin, pagyamanin lalo
 
 
Eto na nakabalik na rin, dala ang bote at pulutan para ok pa rin
Ayan na, buhay na ang chatbox, eto na sabihin ko muna ang gawain
“Bakit, bakit, bakit?”
Onga no, bakit nga ba?
Kasi masakit, masakit na masakit, di ko maisip ng walang pangpamanhid
Kasi kelangan ko ng lugar na di nagmamaskara, kung saan puedi ako maging ako
Di naman para sa alak “eh bakit ka umiinom pa?” aba, ewan kasi nagpapasaya siya
Sorry kung ang labo, kung ang bobo ng mga sagot, parang di ako, parang di akong nakilala niyo
Hayaan niyo muna siguro, isip-bata muna ako, pero di naman sana magtagal na ganito.
 
 
Dito ko na tatapusin siguro ang pagmuni muning ito
Dapat limang araw naputol sa tatlo
Mga sugat, tapos na ang pagdurugo
Hayaang maghilom, hayaang maging marka nalang ng kahapon.
 
 
Advertisements

Single Post Navigation

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: