Enter The Nether

Enter if you dare, Stay if you must, Welcome to my Asylum

Archive for the month “June, 2013”

Tulog-tulugan

Tol gising na! Anong oras na, ano ba??? TOL GISING!

 
Konting tango sabay iling, pagkukunwaring ingay lang ang mga hinaing.
 Mataas na ang sikat ng araw, nakabukas na rin ang mga ilaw.
Mga mata’y pikit na pikit pa rin, nagbabakasakaling sa pananaginip muling dalhin. 
 
HOY! Me lakad pa tayo, GISING NA!

Alam kong tapos na ang panaginip at di na ito magbabalik. 

Pero pumipikit pa rin at nagtutulogtulugan, nag-iisip, naghahanap ng dahilan.
Patagalin pa ng konti kahit segundo lang,
 kahit dito lang muna, dito na lang.
PREEE! Iwan ka na namin eh, TARA NA!

Ayoko pa nga, nakakatakot kasi. Matatanggal na naman sa kumportable.
Pero kelangan na, gising na, bangon na.
 
 Onti-onting binubuksan ang mga mata, humaharap sa liwanag ng umaga.
Sa simula’y bulag pa pero dahan-dahang mayroong nakikita. 
Mga kaibigang inis man ay nakangiti pa rin, handang makinig, handang umintindi
at handang makitagay para sa mga problemang matindi. 
 
 
Advertisements

Post Navigation